Criminal gang leader, isinelda

Criminal gang leader, isinelda

March 23, 2022 @ 2:27 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Binitbit sa selda ang leader ng “Reyes at Abaya” criminal gang at listed No. 1 sa Priority Database on Illegal Drugs (PDID) ng Northern Police District (NPD) matapos masakote sa Alaminos City, Pangasinan.

Kinilala ni P/Col. Allan Umipig, hepe ng DID-NPD ang naarestong akusado na si Jimmy Abaya alyas “JimJim”, 34 ng Zone 4, Brgy. Bued, Alaminos City.

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis hinggil sa pinagtataguan ni Abaya sa Pangasinan na naging dahilan upang bumuo ng team ang DID-IOS, NPD sa pangunguna ni PCMS Joselito Bagting.

Kasama ang mga operatiba ng Malabon Police Station Intelligence Branch (SIB) sa pamumuno ni PLT Zoilo Arquillo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Albert Barot ay agad ikinasa ang joint operation na nagresulta sa pagkakaresto kay Abaya sa Zone 4, Brgy. Bued, Alaminos City, Pangasinan dakong alas-3:30 ng hapon.

Ani PLT Arquillo, hindi na pumalag si Abaya nang ihain nila sa kanya ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Anna Michella Cruz Atanacio-Veluz ng RTC Branch 169, Malabon City para sa kasong Murder at Frustrated Murder. Boysan Buenaventura