Criminal group member, binitbit sa baril at granada sa Malabon

Criminal group member, binitbit sa baril at granada sa Malabon

December 23, 2022 @ 11:18 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nalambat ng pulisya ang isang miyembro ng criminal group na sangkot umano sa serye ng robbery holdup sa northern part ng Metro Manila matapos makuhanan ng baril at granada sa loob ng isang palengke sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Malabon Police Chief P/Col. Amante Daro, naaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Station Intelligence Section (SIS) sa pangunguna ni P/Lt. Richel Sinel at Police Sub-Station-6 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Carlos Cosme, Jr. si Alfredo Almario, Jr. 50, listed bilang miyembro ng notoryus “Salibio Criminal Group” sa loob ng Malabon Public Market sa F. Sevilla St. Barangay Tañong dakong alas-11:45 ng gabi.

Sinabi ni Col. Daro na unang nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng SIS mula sa Barangay Information Network (BIN) hinggil sa resensya ng isa sa mga niyembro ng Salibio Criminal Group habang gumagala sa loob ng naturang palengke na may nakasukbit na baril sa kanyang baywang.

Kaagad nakipag-ugnayan si Lt. Sinel kay PLt Benedicto Zafra, Deputy Commander ng SS6 saka ikinasa ang police operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek matapos walang maipakitang kaukulang mga dokumento sad ala niyang baril na nakasukbit sa kanyang baywang.

Nakumpiska sa suspek ang isang caliber .38 revolver na kargado ng limang bala at isang MK2 hand grenade na nakuha sa loob ng dala niyang itim na belt bag.

Ani Col. Daro, kakahasuhan nila ang suspek ng paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions at RA 9516 o ang Unlawful Possession of Explosives sa Malabon City Prosecutor’s Office. Boysan Buenaventura