CRIMINOLOGY VS COMPUTER SCIENCE SA BASKETBALL

CRIMINOLOGY VS COMPUTER SCIENCE SA BASKETBALL

March 7, 2023 @ 12:36 AM 3 weeks ago


NANOOD tayo ng palaro, partikular sa basketball, sa isang unibersidad.

Nagkataong laban ng mga kumukuha ng criminology ang isang team.

Ang lumaban sa kanila, mga kumukuha ng computer science at information technology.

Habang nanonood tayo, meron tayong nadiskubre na napakahalagang bagay.

Wala palang kalaban-laban ang mga player mula sa computer science at information technology.

Kasi naman, mula sa simula hanggang sa katapusan ng laban, walang kapagurang nagdidribol, nagtatatakbo, naglululundag, naghahagis ng bola at nagsu-shoot ang mga criminology student.

Ang mga computer at IT boys, nandoon na panay ang hingal, nakaupo o nakahiga o nakasandal sa pader at panay ang palitan sa paglalaro.

Kapos na resistansya, hindi pa maka-shoot nang tama.

Olats, masaker ang inabot ng computer science at IT boys.

Nagkamedalya at nakataas ang mga kamao ng criminology students.

ROTC ANG DIPERENSYA

Kung bakit nagwagi ang criminology students?

Dahil sa Reserve Officers Training Corps na pinagdadaraanan ng mga ito.

Iba pa ang extra nilang ginagawa para magka-abs.

Araw-araw ang mga ito ay nag-e-exercise bilang preparasyon sa tungkuling makipaghabulan sa mga kriminal o makipaglaban sa mga dayuhang may balak na giyerahin tayo o agawan ng teritoryo o sumama sa mga search and rescue sa mga kalamidad sa lupa, sa katubigan at kalangitan.

At sa nilalaman ng mga subject, halos pare-pareho naman sila sa mga kinukuha ng mga computer science at IT.

Pareho rin silang bagsak kung bagsak at repeater kung kinakailangan sa mga subject o kurso.

MANDATORY ROTC

Kaya naman, sa awayan ngayon sa kung magkaroon tayo ng ROTC, pabor ako rito.
Sa edukasyon, dapat de kalidad ang kaalamang taglay ng mga estudyante at kakambal nito ang malakas na pangangatawan.

Hindi dapat matalino ngunit lampa ang mga kabataang Pinoy.

O ibalik o isabatas muli ang ROTC.