Cristine at Marco, spotted na laging magkasama, mag-on na?

Cristine at Marco, spotted na laging magkasama, mag-on na?

March 18, 2023 @ 1:19 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Spotted lagi sina Cristine Reyes at Marco Gumabao na magkasama at sweet na sweet sa isa’t isa. Kaya naman hindi maiiwasang mag-isip ang nakakakita sa kanila, na may namumuo na silang relasyon.

Kahit na ang talent manager at YouTuber na si Ogie Diaz ay nag-iisip na may something na ngang namamagitan kina Cristine at Marco. Kaya tinext niya si Marco para tanungin kung sila na ba ni Cristine.

Ang reply sa kanya ni Marco ay si Cristine na lang daw ang tanungin.

So base sa naging reply ni Marco kay Ogie, mukhang sila na nga ni Cristine at ayaw lang ng aktor na sa kanya manggaling ang confirmation.

Kung hindi pa kasi sila, dapat ang naging sagot ni Marco kay Ogie ay hindi sila mag-on ni Cristine, ‘di ba?

Si Cristine kaya, kapag siya naman ang tinext ni Ogie para tanungin kung sila na ni Marco, ano kaya ang magiging sagot nito? Aamin kaya siya?

Pero kung sina Cristine at Marco na nga ang nag-on, walang magiging problema. Pareho naman kasi silang single.

Si Cristine ay hiwalay na sa dating karelasyon na si Ali Khatibi, kung saan ay nagkaroon sila ng isang anak na babae na si Amarah. Rommel Placente