Cristopher Rojas, may private exposure; Gladys Reyes, umalma!

Cristopher Rojas, may private exposure; Gladys Reyes, umalma!

March 28, 2022 @ 7:00 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Hindi naman nag-away, pero nag-usap nang masinsinan ang mag-asawang Gladys Reyes at Christoper Rojas tungkol sa isang movie project na inaalok sa huli.

Sexy kasi ang tema nito kung saan kinakailangang magpakita ng maselang bahagi ng katawan si Christopher.

Nang mabasa raw ni Christopher ang script ay nagustuhan niya ito.

But not as far as his wife is concerned.

Ani Gladys, wala naman daw mainitang pagtatalo na nangyari maliban sa pagpapaliwanag kay Christopher tungkol sa film project.

Kung kailan naman daw kasi tumanda ang asawa’y saka gustong magpaseksi.

Besides, malalaki na raw ang kanilang mga anak na tiyak may sasabihin tungkol kay Christopher.

Ang ending: gustuhin man ni Christopher na sunggaban ang project ay mas pinili niyang pakinggan ang kanyang misis.

May punto nga naman si Gladys. Ronnie Carrasco III