Cristy, nag-throwback sa pang-iisnab ni Kris kay Toni!

Cristy, nag-throwback sa pang-iisnab ni Kris kay Toni!

October 31, 2022 @ 2:08 PM 1 month ago


Manila, Philippines – As always, Kris Aquino is an interesting subject of discussion.

Tulad na lang sa latest episode ng online show nina Cristy Fernin, Morly Alinio at Rommel Chika kung saan pahapyaw nilang pinag-usapan si Kris.

Sumentro muna ang usapan kay Toni Gonzaga at sa tinatamasa nitong tagumpay bilang TV host.

Sa ngayon, mapapanood na si Toni sa AllTV.

Nagbalik-tanaw si Cristy noong magkita sina Kris at Toni sa ABS-CBN.

That time ay gumagawa na ng pangalan si Toni samantalang established host na si Kris.

Ayon sa kuwentong ibinahagi ni Cristy, one time daw ay nagkita sina Kris at Toni sa bakuran ng ABS-CBN.

Bungad daw ni Kris kay Toni, “I don’t like you…I’m mad at you.”

Isang gulat na Toni ang nagtanong, “Bakit po, Miss Kris?”

Kamukat-mukat mo, wala naman palang atraso si Toni kay Kris.

Dahil ang totoo, napaginipan ni Kris na si Toni ang magte-take over sa lahat ng mga programa niya sa istasyon.

Ani Cristy, “Panaginip pa lang ‘yan, ha?” implying na paano pala kung nangyari ‘yon sa totoong buhay?

Well, consistent lang talaga si Kris who speaks her mind kesehodang nakakapanakit na siya ng damdamin.

Samantala, welcome news para sa mga tagasuporta ni Kris na bumubuti raw ang kalagayan nito sa Los Angeles, USA kung saan ito kasalukuyang sumasailalim sa treatment ng kanyang autoimmune disease. Ronnie Carrasco III