Cristy, nanaginip ng masama para kay Kris!

Cristy, nanaginip ng masama para kay Kris!

January 20, 2022 @ 11:11 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Mahabang panalangin ang naging kasangga ni Cristy Fermin para labanan ang kanyang masamang panaginip.

Sabado raw ng umaga nang magising ang radio anchor/columnist mula sa napaginipan niya tungkol kay Kris Aquino.

Alam ng lahat na may serious medical condition na kinakaharap si Kris.

Ayon kay Cristy, sa kanyang panaginip ay hindi malinaw kung sa ospital sa Singapore o Amerika na-confine si Kris.

May dalawag linggo raw nanatili roon si Kris, pero bigo umano ang kanyag mga doktor dahil “bumigay” rin ito sa kanyang karamdaman.

Dagdag pa ni Cristy, naikuwento niya ang naramdamang lungkot sa kanyang mga kasambahay.

She, however, takes comfort in the fact na anuman ang panaginip ay kabaligtaran nito ang mangyayari.

Umaasa si Cristy na magkakaroon ng saysay ang mga salapi ni Kris para ganap nang gumaling mula sa kanyang sakit.

Samantala, marami umanong nagmumungkahi kay Cristy na i-bring up nito kay Kris ang makipagkita sa isang albularyo.

Marami raw kasing mayayamang tao na nananalig sa kakayahan ng mga quack doctor.

Pero ani Cristy, mukhang hindi raw bukas si Kris sa option na ‘yon. Ronnie Carrasco III