Criteria sa pag-alis ng pamilya sa listahan ng 4Ps, inilatag ng DSWD

Criteria sa pag-alis ng pamilya sa listahan ng 4Ps, inilatag ng DSWD

July 13, 2022 @ 10:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inilatag na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang “major criteria” sa pag-alis ng mga pamilya mula sa listahan ng  4Ps beneficiaries.

Una  na rito ay ang non-compliance sa mga kondiyson na itinakda ng  conditional cash transfer program (CCT).

Ang 4Ps ay mayroong apat na mga pangunahing kondisyon para sa mga pamilya.

Una na rito, ang babaeng nagdadalang-tao o buntis ay dapat na mag- avail ng pre- at post-natal care, at dapat na may isang propesyonal na mag-aasikaso sa kanila sa panahon ng kanilang panganganak.

Pangalawa, ang mga magulang o guardians ay kailangan na dumalo sa family development sessions na kadalasan ay idinaraos isang beses isang buwan, may paksa na gaya ng  “responsible parenting, kalusugan at nutrisyon.”

Pangatlo, ang mga sanggol at mga kabataan na may edad na hanggang limang taon ay dapat na makatanggap ng regular health check-ups at bakuna.

Pang-apat, ang mga kabataan na may edad na  6-14  ay dapat na mnakatanggap ng deworming pills.

Ang mga kabataan na may edad nan 3-18 ay dapat na mag-enroll sa eskuwelahan, panatilihin ang attendance sa 85% ng  class days  kada buwan.

Ang kawalan ng kakayahan na tumugon sa kahit na anumang kondisyon ay nangangahulugan na dapat nang alisin sa listahan ng programa.

Ang pangalawang  criteria ay kapag ang pamilya ay nakamit na ang financial independence.

Sa kabilang dako, marami naman ang pumalag sa bagong hakbang na ito ng DSWD.

Ang apela ng mga ito ay panatilihin ang kanilang mga pangalan sa programa dahil nananatili pa rin silang low-income earners.

Samantala, sinabi naman ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na mangangailangan siya ng 3 hanggang 4 na linggo para linisin ang listahan.

Binalaan din nito ang mga “uncooperative beneficiaries” na maaari rin silang maalis sa programa. Kris Jose