Croatia at France pasok na sa last 16

Croatia at France pasok na sa last 16

June 22, 2018 @ 9:40 AM 4 years ago


 

FIFA – Wala nang nagawa pa ang Argentina matapos silang ilampaso ng Croatia sa iskor na 3-0 sa kanilang Group D game sa nagpapatuloy na FIFA World Cup 2018.

Dahil dito, sureball na ang pagpasok ng Croatia sa last 16 habang ang Argentina na ranked number 5 ay mayroong isa pang laro na natitira.

Naging matagumpay ang Croatia sa kanilang depensa matapos na hindi nila pinaporma pa ang 31-anyos na si Lionel Messi.

Ito na ang pinamakamasamang pagkatalo ng Argentina sa loob ng 60 taon.

Susunod na makakaharap ng Argentina ang Nigeria sa Martes.

Sa iba pang laro, naipasok ni Kylian Mbappe, ang pinakabatang scorer ng France, ang kanyang koponan sa last 16 matapos talunin ang ranked number 11 na Peru 1-0 sa kanilang laro sa Group C.

Sa 34th minute na goal ni Mbappe, nasa unang puwesto na ang France na mayroong six points habang nasa pangalawa ang Denmark na may four points at ang Australia ay nasa pangatlong puwesto na may 1 point matapos ang draw sa laro nila. (Remate News Team)