Croatia, pasok sa World Cup final

Croatia, pasok sa World Cup final

July 12, 2018 @ 10:11 AM 5 years ago


 

Moscow, Russia – Pasok sa World Cup final ang Croatia, unang pagkakataon, matapos ang ginawang extra-time goal ni Mario Mandzukic na siyang naghatid sa kanila ng pagkapanalo, 2-1, sa semi-finals, laban sa England kahapon (July 11).

Dinala ni Ivan Perisic ang bola sa area kung saan mahina ang depensa ng England at saka pinasok ni Mandzukic ang bola na may 11-minuto nalang na natitira sa extra time na siyang naghatid sa kanila sa final game laban sa France sa Linggo.

Unang umiskor si Kieran Trippier ng England matapos nitong pakawalan ang isang free kick limang minuto pa lamang ang nakakalipas sa simula ng laro.

Hindi naman nagpatinag ang Croatia at kinontrol ang laban sa kalagitnaan ng laro.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makapapasok sa World cup final ang Croatia. (Remate News Team)