Crowd control ops inihahanda na ng PNP sa pagbabakuna ng edad 0-4

Crowd control ops inihahanda na ng PNP sa pagbabakuna ng edad 0-4

January 16, 2022 @ 9:30 AM 7 months ago


MANILA, Philippines- Iniatas ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Dionardo Carlos sa kapulisan na maghanda ng crowd control operations sa pagsilip ng pamahalaan sa pagbabakuna ng nasa 11.11 milyong edad 0 hanggang apat, laban sa coronavirus disease (COVID-19) bago matapos ang Hunyo.

“Unlike the previous vaccination roll-out, this time we are talking about very young vaccinees like babies and toddlers. We need to be extra careful in handling them,” pahayag niya nitong Biyernes.

“I hope that they can be scheduled well, so as not to blend with the bulk of the adults especially since the administration of booster shots is ongoing,” dagdag pa ng PNP chief.

Ani Carlos, kapag binigyan na sila ng signal ng pamahalaan, magtatalaga ng kapulisan sa vaccination sites na magbabantay sa implementasyon ng minimum health protocols.

“There is always a tendency that these venues may be overwhelmed with those who are waiting for their turn to be vaccinated. This is what we would like to avoid especially in the presence of infants or younger children. Physical distancing must strictly be enforced,” paglalahad ni Carlos.

Matatandaang inanunsyo ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na tina-target ng pamahalaan na makapagbakuna ng 90 milyong Pilipino bago matapos ang Hunyo. Kabilang dito ang pinakabatang age group. RNT/SA