Crown prince ng Saudi Arabia, inaasahang bibisita sa Pinas ngayong taon – DFA

Crown prince ng Saudi Arabia, inaasahang bibisita sa Pinas ngayong taon – DFA

October 1, 2022 @ 9:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inaasahang bibisita sa Pilipinas ang Crown Prince ng Saudi Arabia  at Prime Minister na si  Mohammed bin Salman (MBS)  bago matapos ang taong 2022.

Hindi naman tiyak kung ang  nasabing byahe ni MBS ay state visit.

Ang sigurado lamang ani Foreign Affairs Assistant Secretary Alfonso Ver ay ang ginagawang paghahanda para rito.

“There was an initiative on the part of the MBS to go on an Asian swing. He was looking at, this was also reiterated by the foreign minister yesterday, he was looking East and looking at new drivers in countries in Asia. And [there’s] a personal interest also in coming over to the Philippines,” ayon kay Ver.

“[W]e still have to finalize the date but just to give you (an idea) of the visit, his father, King Salman, when he visited Bali, Indonesia in 2017 he brought along six planes and one C-130, I think 100 princes came in. So they have to close down Bali,” dagdag na pahayag nito.

“Manila would be part of Prince Mohammed’s multi-country trip in Asia, which could include Malaysia, Thailand, Pakistan, and Brunei,” ayon pa rin kay Ver.

Sa kasalukuyan, minamadali ng dalawang bansa ang pag-uusap para ihanda ang posibleng kasunduan  na maaaring lagdaan ng crown prince sa kanyang pagdating.

“We want to rush everything, we want to do everything… So we’re working on the dates, we’re working on the agenda, we’re working on the deliverables,” ayon kay Ver sabay sabing . “Rest assured that there’s so many preparatory plans that we’ve been doing that if it pushes through in November, we’ll be ready to welcome him here.”

Aniya pa, bahagi ng naging pulong sa pagitan ng mga  Filipino officials at Saudi Arabia’s Foreign Minister Prince Faisal bin Farhan Al Saud  na bumisita sa bansa, araw ng Huwebes ay “to lay the initial plans”  para sa trip o byhae ni Prince Mohammed.

Tinatayang may  30 pending agreements sa pagitan ng Pilipinas at Saudi Arabia, subalit sa mga ng kasunduan, umaasa ang  DFA na  malalagdaan ang “double taxation at investment promotion.”

“Hopefully, that will eventually relate to investors coming,” ayon kay Ver.

Ang pagbisita ani Ver ay isa nang malaking regalo para sa Pilipinas.

Sa naging pagbisita kamakailan ni Foreign Minister Faisal sa bansa, sinabi ni Ver na interesado ang Saudi Arabia sa paglagda sa  ‘economic cooperation’ sa bansa.

“[T]hey don’t want to listen to a PowerPoint presentation, they want to see where they can put their money. They want to see where they can bring their expertise, they want to see where we can work together,” ang wika ni Ver.

“We can give all those seminars on how to avoid double taxes or how to make the most profit, but the thing is they need projects,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose