CRUISE SHIP MULING DUMAONG SA PUERTO PRINCESA CITY

CRUISE SHIP MULING DUMAONG SA PUERTO PRINCESA CITY

February 16, 2023 @ 8:15 AM 1 month ago


MATAPOS  ang tatlong taong pagtama ng coronavirus disease 2019 pandemic, nito lamang nagda-ang Huwebes, February 8, dumaong sa Puerto Princesa City seaport ang cruise ship na Seabourn Encore, ang kauna-unahan matapos ang pandemya. Senyales ito ng pagbuti ng cruise ship tourism.
Sakay ng barko mula pa sa Singapore ang 512 na pasahero at 482 crew na 200 ang pawang mga Pilipino.

Para sa Department of Tourism-MIMAROPA, malaking tulong sa pagbangon ng turismo ang muling pagbabalik ng mga cruise ship sa rehiyon. Inaasahan ang pagkakaroon pa ng 22 cruise calls sa Palawan na magsasa-   kay ng aabot sa 60,000 na  pasahero at empleyado ng barko.

Sa tala ng DOT MIMAROPA, noong taong 2019, umabot sa 159 ang naisagawang cruise calls sa buong bansa, at inaasahang malalagpasan ito dahil ngayon pa lamang nasa 141 na ang nagpapa-iskedyul.

Ang cruise calls ay paghinto ng isang cruise liner sa isang daungan para sa refueling o pagtanggap ng mga karagdagang pasahero na karaniwang tumatagal ng mahigit apat na oras kaya may pagkakataon ang mga nakasakay na turista na mamasyal sa pinakamalapit na pasyalan sa isang lugar habang hinihintay ang muling paglalayag ng barko.

 SIGN LANGUAGE POETRY SINIMULAN NA NG KWF

Sinimulan ng KWF o Komisyon sa Wikang Filipino ang “Timpalak sa Tulang Senyas”, ang kauna-unahang kontes sa pagtula sa pasenyas na paraan sa buong Pilipinas.

Layon ng KWF na palaganapin ang FSL o ang Filipino Sign Language bilang tunay na wika, pagsulong ng Filipino Deaf culture sa pamamagitan ng panitikan, kilalanin     at bigyang-puwang ang ‘di matatawarang kakayahan at husay ng mga kababayang Deaf, at makapag-ambag sila sa panulaang Filipino ng kanilang obra sa pamamagitan ng pasenyas na pagtula.

Bukas ang timpalak sa lahat ng mga Filipino citizen na matatas sa FSL, babae man o lalaki sa buong mundo, maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang mga kaanak. Maaaring lumahok sa isa sa dalawang kategorya ng timpalak, ang Bingi o Hard-of-Hearing at Hindi Bingi.

Ang entry na ipapása ay isang tulang senyas na hindi bababa sa 24 na taludtod o linya at hindi lalagpas sa 40 taludtod o linya. Kinakailangang may pamagat ang   ipapásang koleksiyon. Ang paksa ng tula, alinsunod sa tema ng Buwan ng Panitikan 2023 na “Kultura ng Pagkakaisa: Pagsisiyasat ng

Pagkakaisa sa Pamamagitan ng Panitikan.” Malayà o walang tugma at súkat ang ipapa-sang tula.
Kailangang orihinal ang lahok at isesenyas gámit ang FSL, hindi salin ng nalathala nang tula, at hindi pa nasesenyas at nalalathala sa     alinmang platform. Ang si-    nomang mahúli at mapatunayang nagkasála ng pangongopya ay kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nitó sa timpalak at hin-di na muling makasasali pa sa alinmang patimpalak ng          KWF sa hinaharap.

Pára sa karagdagang detalye, mag-text o tumawag sa 0928.8441349 o mag-email sa timpalak.gawad @kwf.gov.ph.