CSC: Bilang ng mga posisyong tatanggalin sa ‘rightsizing’ ng PH gov’t pinag-aaralan pa

CSC: Bilang ng mga posisyong tatanggalin sa ‘rightsizing’ ng PH gov’t pinag-aaralan pa

July 18, 2022 @ 3:15 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Dadaan sa masusing pag-aaral kung ilang mga posisyon sa pamahalaan ang posibleng ma-dissolve sa gitna ng napag-uusapang rightsizing sa gobyerno.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Civil Service Commission (CSC) Commissioner Atty. Aileen Lizada na magiging depende sa review kung ilan ang posibleng alisin na posisyon sa gobyerno.

Sa kabilang dako, ibinahagi naman ni Lizada ang naging resulta ng naging pag-aaral na isinumite sa National College of Public Administration and Governance na isinagawa nuong August 2020.

Lumabas aniya sa isinumiteng working papers hinggil sa pag-aaral sa rightsizing act ng Duterte Administration na sa 44, 771 positions mula sa 215, 233 authorized regular positions ang dapat ng i- dissolve.

Matatandaang, una ng nagpahayag ang Department of Budget and Management (DBM) na posibleng umabot umano sa 2 milyong mga government workers ang maapektuhan sakali’t matuloy ang rightsizing. Kris Jose