CSC nag-aalok ng leadership, HR training courses para sa civil servants

CSC nag-aalok ng leadership, HR training courses para sa civil servants

January 28, 2023 @ 12:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Mahigit 70  “leadership, foundation, and human resource management (HRM) courses” ang inaalok ng Civil Service Commission (CSC), sa pamamagitan ng  Civil Service Institute (CSI), ngayong 2023.

Bahagi ito ng  programa ng CSC na naglalayong palakasin ang  public service sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na learning interventions.

Sinabi ni CSC Chairperson Karlo Nograles na ang mga courses ay kinabibilangan ng iba’t ibang leadership at HR functions gaya ng  Leadership and Management Certification Program (CPro), Public Service Values Program (PSVP), CSI Leadership Series, Competency-based HR Program (CBHR), Learning and Development (L&D) Programs at Strategic HROD Series.

Sinabi ni Nograles na ang mga registered participants na matagumpay na nakompleto ang mga online courses, kabilang na ang mga  requirements,  ay makakakuha ng  certificate of completion na may  leadership at managerial training hours  na maaaring gamitin para ma-meet ang training requirement para sa  managerial and supervisory positions sa civil service.

“Ito ay bahagi ng regular na programa ng CSC na maghatid ng learning and development interventions para sa mga lider at kawani ng pamahalaan. Mahalaga para sa ating mga lingkod bayan na mayroon silang continuous learning, na patuloy na madagdagan ang kanilang kaalaman at mahasa ang kanilang competencies na kinakailangan para makapagbigay ng maayos na serbisyo publiko,” ang wika ni Nograles.

Idinagdag pa niya na ang lineup ng mga  courses  ngayong taon ay dinisenyo para tulungan ang mga civil servants, kabilang na ang “managers and human resource practitioners, navigate through the changes in the bureaucracy and the challenges of public service in the post-pandemic era.”

“Siniguro naming ang mga ito ay relevant o naaayon sa kasalukuyang panahon kung saan maraming nagaganap, at marami pang magaganap na mga pagbabago sa ating mga pamamaraan ng pagtatrabaho dulot ng pandemya. Makakaasa ang ating mga lingkod bayan na magiging sulit ang pagdalo nila sa mga trainings ng CSC ,” aniya pa rin.

Binigyang-diin pa ni Nograles na mas maraming “learning and development interventions” ang iaalok ng CSC Regional Offices (ROs).

“The CSC-CSI’s Learning and Development Plan Matrix, as well as the details about each course, can be accessed at csi.csc.gov.ph.,” ayon kay Nograles.

Samantala, para sa mga interesadong kumuha ng  training courses  na inaalok ng CSC ROs, mangyaring direktang magtanong sa CSC RO kung ano man ang mga concerns.

Ang directory ng  CSC offices ay available sa  CSC website na www.csc.gov.phKris Jose