CSC nakiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month

CSC nakiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month

March 6, 2023 @ 3:00 PM 3 weeks ago


KASABAY ng pagdiriwang ng bansa nang National Women’s Month (NWM) ngayong Marso, itinatampok ng Civil Service Commission (CSC) ang mga natatanging lakas at kakayahan ng kababaihan sa iba’t ibang larangan sa pamamagitan ng buwanang pagsasagawa nito ng mga aktibidad ng NWM.

“Nakikiisa ang buong Komisyon sa Serbisyo Sibil sa pagpupugay sa mga kababaihan sa pamahalaan na nagpapamalas ng kanilang natatanging kakayanan upang mataguyod nang husto ang serbisyo publiko. Napakahalaga ng kanilang ginagampanang tungkulin sa ibat’-ibang larangan,” ani CSC Chairperson Karlo Nograles.

Sinimulan ng CSC ang pagdiriwang ng NWM ngayong araw, 6 Marso 2023, sa pamamagitan ng pagpapakilala kay Dr. Zenith Gaye Orozco-Bautista, Assistant Professor mula sa Institute of Biology ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Siya ay isang Balik Scientist Program awardee ng Department of Science and Technology. Ibinahagi ni Dr. Orozco-Bautista ang kanyang kuwento kung paano nakatulong ang kanyang lakas at determinasyon na magtagumpay sa kanyang larangan ng kadalubhasaan, sa kabila ng mga lalaking nangingibabaw sa propesyong ito. Binanggit din ng mga opisyal at empleyado ng CSC ang mahahalagang kababaihan sa kanilang buhay na nagbibigay-inspirasyon sa kanila na maging mabuting lingkod-bayan.

Sa mensahe naman sa programa ni CSC Commissioner Ryan Alvin Acosta, hinimok nito ang mga tauhan ng CSC na pag-isipan ang kanilang kontribusyon sa women empowerment.

“This month’s celebration provide us an opportune time to assess what and by how much have we contributed in the advocacy to promote the welfare and advance the rights of women in our lives, whether they be family members, colleagues, or peers. Then we also reflect deeper into how and what else we can do to push things for women as we move forward, noting that our contributions big or small, are contributions of great importance nonetheless,” ani Acosta.

“I believe that, as advocates for women empowerment, we at the CSC have taken this challenge to heart by ensuring that our programs and policies afford women meaningful participation and representation in decision-making and by promoting their individual well-being,” dagdag pa ni Commissioner Acosta.

Ang iba pang aktibidad ng NWM na nakatakda para sa buwan ay ang “Amazing Run” na lalahukan ng mga babaeng opisyal at empleyado ng CSC upang ipakita ang kanilang pisikal at mental na lakas. Magsasagawa rin ang CSC ng patuloy na edukasyon hinggil sa mga paksang may kaugnayan sa Gender and Development (GAD), tulad ng pagbabalanse ng trabaho at pagiging ina, kababaihan at teknolohiya, at solo parenthood.

Nakatakda ding isagawa ng CSC ang “Piknik sa Kalikasan” kung saan tatalakayin ng isang resource speaker ang mga probisyon ng Anti-Violence Against Women and Children, the Safe Spaces Act, at CSC Rules on Sexual Harassment. Ipagdiriwang din sa nasabing okasyon ang mga dati at nanunungkulan na babaeng opisyal ng CSC.

Kaugnay nito, bilang isang masugid na tagapagtaguyod ng women empowerment at gender mainstreaming sa burukrasya ng Pilipinas, ang CSC ay gumawa at nagpatupad ng iba’t ibang mga patakaran at programa sa human resource na sumusuporta sa mga babaeng manggagawa sa gobyerno.

Kabilang dito ang mga alituntunin sa pinalawig na maternity leave, paternity leave, adoption leave, pati na rin ang bakasyon para sa mga kababaihang biktima ng karahasan. Naglabas din ang CSC ng mga patakaran sa pagbibigay ng mga special leave benefits para sa mga babaeng sumailalim sa operasyon dahil sa gynecological disorder alinsunod sa Republic Act No. 9710 o ang Magna Carta of Women (MCW).

Tiniyak din ng Komisyon ang mga inclusive human resource practices sa pamamagitan ng pagpapatupad ng 2017 Omnibus Rules on Appointments and Other Human Resource Actions at ang Equal Opportunity Principle (EOP) sa recruitment at appointment.

Tinitiyak ng ORAOHRA hindi lamang ang karaniwang pamamaraan kundi pati na rin ang patas at pantay na pagtrato sa mga indibidwal sa mga lugar ng recruitment, pagpili, appointment, promosyon, at iba pang mga aksyon sa HR. Nilalayon din ng EOP na alisin ang mga hadlang at diskriminasyon sa panahon ng proseso ng pagpili, paglahok o pag-access sa mga interbensyon sa pag-aaral at pagpapaunlad batay sa oryentasyong sekswal, pagkakakilanlan ng kasarian, at pagpapahayag ng kasarian (SOGIE), katayuang sibil, kapansanan, relihiyon, etnisidad, o may kaugnayan sa pulitika .

“It has also strengthened provisions of the 2017 Rules on Administrative Cases in the Civil Service, specifically those pertaining to the offense of sexual harassment, to deter the occurrence of sexual harassment cases in government,” saad ng CSC.

Samantala, patuloy na ipinagdiwang ng CSC ang mga kababaihan sa iba’t ibang larangan sa gobyerno sa pamamagitan ng taunang Search for Outstanding Government Workers sa ilalim ng Honor Awards Program nito. RNT