CSC photo contest alay para sa mga bayani ng pandemya

CSC photo contest alay para sa mga bayani ng pandemya

July 14, 2021 @ 1:16 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Pangungunahan ng Civil Service Commission (CSC) ang nationwide photography contest na iaalay para sa mga bayaning nasa likod ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

Layunin nitong ma-highlight sa pamamagitan ng mga larawan ang ‘civil servants’ ng bansa sa gitna ng pandemya.

Itinakda naman ang deadline nito sa Hulyo 30.

Ang naturang paligsahan ay bahagi ng 121st Philippine Civil Service Anniversary at magiging bukas sa lahat ng government workers.

Hindi naman papayagang makasali ang mga empleyado ng CSC maging ang kanilang kaanak na hanggang ‘second degree of affinity.’

Kadikit nito ang temang “Pagtugon ng Lingkod Bayani sa Patuloy na Hamon ng Pandemya (Civil servants’ response to the continuing challenges of the pandemic)”.

Maaari namang bumisita ang mga interesado sa www.csc.gov.ph/pcsa2021 para sa kumpletong mechanics. RNT/FGDC