CSC sa gov’t agencies: Mga  kawani alagaan; COVID care kits ipamahagi

CSC sa gov’t agencies: Mga  kawani alagaan; COVID care kits ipamahagi

January 17, 2022 @ 4:36 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Pinapayagan ang mga ahensya ng pamahalaan na mamahagi ng coronavirus disease (COVID-19) home care kits sa kanilang mga kawani, ayon sa Civil Service Commission nitong Lunes.

Maaaring gamitin ang MOEE o Maintenance and Other Operating Expenses para sa kits na ito, base kay CSC Commissioner Aileen Lizada.

“I am reminding the heads of agencies, alagaan ho natin ang ating mga kawani ng gobyerno na under your care, under your respective offices… This will also declog iyong mga ibang health centers na pinupuntahan ng public,” aniya sa isang public briefing.  

Nangangalap na ang CSC ng datos sa bilang ng mga manggagawa ng gobyerno na tinamaan ng COVID-19, dagdag pa ni Lizada.

Hinikayat din ng opisyal ang worker unions na bantayan ang COVID-19 response ng mga ahensya at iulat ang mga nakikitang paglabag upang maaksyunan ito ng CSC. RNT/SA