Cuarto wagi vs Taduran sa rematch

Cuarto wagi vs Taduran sa rematch

February 8, 2022 @ 12:46 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Matagumpay na naidepensa ni IBF world minimumweight champion Rene Mark Cuarto ang kanyang titulo kasunod ng panibagong panalo sa  rematch nila ni Pedro Taduran sa Digos City.

Si Cuarto, 25, ay umiskor ng knockdowns laban sa dating kampeon na si Taduran sa ikalawa at limang round ngunit nabawasan din ng ilang puntos para sa isang aksidenteng headbutt.

Malupit na palitan ng suntok ang sumiklab sa dalawang magkatunggali hanggang sa mapwersa ang referee na ihinto ang paligsahan sa ika-7 round dahil sa aksidenteng salpukan ng mga ulo.

Isang judge ang nagbigay ng tablang iskor na 65-65 habang ang dalawa pa ay nagkaroon ng 66-64 at 65-64 para kay Cuarto dahilan para makuha nito ang panalo via technical majority decision.

Si Cuarto, na ngayon ay 2-0 laban kay Taduran, ay umangat ang record sa 20-2-2 na may 11 knockouts habang si Taduran ay nahulog sa 14-4-1 na may 11 knockouts.JC