Cullamat nagpasaklolo sa CHR

Cullamat nagpasaklolo sa CHR

December 1, 2020 @ 6:55 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Humingi ng tulong sa Commission on Human Rights (CHR) si Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat kaugnay sa pagkakapatay ng militar sa kanyang anak sa isang engkwentro sa Marihatag Surigao Del Sur noong Nobyembre 28.

Sa sulat ni Cullamat, hiniling niya na imbestigahan ng CHR ang ginawang pagparada ng Philippine Army sa labi ng kanyang 22-anyos na si Jevelyn.

Ayon sa kongresista, mistula umanong ‘tropeo’ na ipinarada ng 3rd Special Force ng Philippine Army ang bangkay ng anak.

Dahil dito, sinabi ng mambabatas na malinaw na paglabag  sa karapatang pantao ang ginawa ng militar.

Kabilang ang Pilipinas sa lumagda sa Comprehensive Agreement on the Respect of Human Rights and International Humanitarian Law.

Dagdag ni Cullamat, ang pagparada sa bangkay ng kanyang anak ay tahasang paglabag hindi lamang sa kanyang karapatan bilang ina kundi paglabag din aniya sa mga alintuntunin ng International Humanitarian Law na dapat ay igalang ang labi ng mga namamatay sa engkuwentro.

Wala pang pahayag ang CHR sa kahilingan ni Cullamat. Jan Sinocruz


  •  
  •  
  •  

Loading...