Culture of impunity raw oh!

Culture of impunity raw oh!

July 11, 2018 @ 7:47 PM 5 years ago


Kung mahina ang loob mo, ma­tatakot ka sa mga pahayag kamakailan nina VP Leny, Ton­yo Trillanes, Gary Alejano, mga ka­alyado nila sa opo­sisyon at kri­tiko.

Bakit hindi, para silang korus sa pagsasabi na nakatatakot na raw lumabas ng bahay o kahit saang lugar dahil anytime ay pwede na tayong pa­ta­yin ng mga hindi kilalang krimi­nal na naglipana sa paligid.

Isinama pa ng oposisyon ang kaso sa pagsugpo sa iligal na droga na marami raw ang napapatay kada araw.

Kamakailan, maingay ang pag­patay sa tatlong pari na ang hu­li ay si Fr. Nilo ng Nueva E­cija. Pagkamatay ng huli, nagmartsa ang maraming obispo, pari at madre ng Catholic Bis­hops’ Conference in the Philippines na may mga dalang pla­card na humihiling ng dagliang paglutas pero naglalakihan ‘yung pagkondena nila kay PANG. RODRIGO DUTERTE.

Halos ibintang nilang lahat ng nangyayari sa bansa. Pati ba naman ang martial law sa Min­danao at pagbawi sa Mara­wi City ay kasalanan pa rin ni Du­terte? Abaw gyud, anya iti cayat yo nga mangyari kakail­yan?

Nalutas ang kaso ng pag­pa­tay kay Fr. Nilo, hindi lang ang bumaril at pumatay kundi hanggang umabot sa pagkilala sa mastermind na amain ng isang seminaristang hindi ­nag­­ing pari dahil daw kay Fr. Nilo. Solved!

Ang siste, matapos halos mag­mura ang mga taong sim­ba­han noong nag-rally sila, nga­yon ay hinihintay natin kahit pakunwari lang na pagpapasalamat, huwag na kay MA­YOR DIGONG kundi sa ating Pambasang Pulisya. May kahihiyan ba ang ilang miyembro ng CBCP na nag-rally at nagkondena kay RODY?

Sumunod ang kaso nina Ta­nauan City, Batangas Ma­yor Antonio Halili at General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote. Ginagawa ng PNP at NBI ang imbestigasyon sa dalawang kaso.

Pero ang tawagin na nasa culture of impunity na raw tayo dahil sa mga nangyari ay foul para sa atin.

Mas malinaw si­guro na nga­yon ay tinitiyak ng pamahalaan at awtoridad na aksyu­nan ang lahat na naga­ganap sa bansa. Hinuhuli, kinakasuhan at ikinukulong ang may ka­salanan. Marami nga kasing ina­asikaso, eh.

Noon, halos libre ang puma­tay, walang nahuhuli o hinuhu­li. Ang masama noon, ma­dalas na biktima ay inosenteng mama­mayan, kabataan at maski mga sanggol.

Ngayon, nalalagot ang may sala. Culture of impunity ba i­yan? Oh?

– BALETODO NI VERZOLA