Curfew ikinasa sa Ilocos Norte vs nagkalat na gun-for-hire

Curfew ikinasa sa Ilocos Norte vs nagkalat na gun-for-hire

May 9, 2022 @ 7:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagpatupad ng curfew sa buong probinsiya si Ilocos Norte Governor Matthew Joseph Manotoc simula Linggo alas-9 ng gabi hanggang Lunes ng 4 a.m., mga oras bago magsimula ang botohan.

Ang Executive Order 183-22 na may petsang Mayo 8 sa pagpataw ng curfew ay lalong nagpapatibay sa pagpapatupad ng Commission on Election ng dalawang araw na liquor ban hanggang Lunes.

Gaya ng nakasaad sa kautusan, ang pansamantalang curfew sa gabi bago ang halalan ay para matiyak din ang seguridad, dahil kinumpirma ng Ilocos Norte Police Provincial Office ang “mga ulat sa pagkakaroon ng mga guns-for-hire sa lalawigan.”

Matatandaang apat na kalalakihan ang nasawi sa isang shootout ng mga bata ng alkalde sa Ilocos Sur.

“The curfew does not apply to election staff, health and hospital workers, government officials, law enforcers, authorized persons outside the residence, and essential establishments that ordinarily operate overnight, such as hospitals, pharmacies, food houses, and call centers,” saad naman sa kautusan. RNT