Curfew para sa 17-anyos pababa sa NCR, ipinatupad- Olivarez

Curfew para sa 17-anyos pababa sa NCR, ipinatupad- Olivarez

January 11, 2022 @ 3:40 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Nagpatupad ang National Capital Region (NCR) ng curfew sa 17-anyos pababa simula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw, ayon kay Metro Manila Council chairperson Parañaque City Mayor Edwin Olivarez nitong Martes.

“’Yun pong ating curfew pinatutupad po natin yan sa minor. Lahat po kami, local government unit (LGU) sa Metro Manila, may specific ordinance. Yung atin pong mga 17 and below ‘yan po ay pinai-implement po ang ating curfew from 10 p.m. until 4 a.m.,” pahayag ni Olivarez said.

“Sa minor po ‘yan that is 17 years old and below, yung po adults wala pa pong curfew na pinagkakasunduan po doon,” patuloy niya.

Isinailalim ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang NCR saAlert Level 3 mula Enero 3 hanggang 15, 2022 kasunod ng paglobo ng COVID-19 sa bansa.

Ani Olivarez, napagkasunduan ng Metro Manila Council, na panatilihin sa Alert Level 3 ang Metro Manila.

“Base sa data na ibinigay ng DOH (Department of Health) yung ating health care utilization rate ay umaabot ng 55%. Doon po sa pamantayan ng ating DOH at IATF yung pong 70% na healthcare utilization rate doon po umaabot yung Alert Level 4, so andoon pa po tayo sa Alert Level 3,” paliwanag niya. RNT/SA