Curfew sa minors isinulong sa Kamara

Curfew sa minors isinulong sa Kamara

August 8, 2022 @ 4:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Isang panukala na magpapatupad ng curfew sa mga minors ang inihain sa Kamara.

Layon ng House Bill 1016 o Nationwide Curfew Act na inihain ni Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera na mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga ay bawal nang lumabas ang mga minors o ang mga 17-anyos pababa.

Nakapaloon din dito na magiging illegal kung ang isang magulang o guardian ay papayagan ang isang minor na lumabas at papatawan din ng parusa kung hindi nila makokontrol ang paglabas ng menor-de-edad.

Sa unang offense ay dadalhin sa barangay o police station ang minor na mahuhui sa curfew habang ang kanilang magulang o guardian ay papatawan ng 48 oras na communoty service o P2,00 multa.

Sa ikalawang offense ay dadalo na sa counselling ang minor at ang magulang nito na papangasiwaan ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) bukod pa sa 72 oras na community service o P3,000 multa.

Sa ikatlong offense ay ituturnover na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)ang minor habang ang magulang nito ay papatawan ng P5,000 mula o pagkakakulong ng 6 na buwan.

Mayroon namang exemption sa curfew, ito ay kung ang minor ay kasama ng kanyang mga magulang at kung mayroong emergency kasi ito nasa labas.

Sinabi ni Herrera na mahalagang magpatupad ng curfew dahil na rin sa dumaraming kaso ng pang aabuso sa mga minor at ilang insidente na nasasangkot ang menor de edad sa drug addiction at ilang kasong kriminal.

“This vulnerability has resulted to an increasingly alarming rate of children who have gone missing for over 24 hours, children that are abused by syndicates and unscrupulous individuals, as well as have been involved in crimes concerning abduction, rape, abuse, and theft, murder, among others,”ani Herrea.

“The bill seeks to mandate and strictly implement a set of hours during night time within which minors are prohibited from remaining outside of the home not only as a means of maintaining public order and safety and preventing the further rise in criminality but also in order to protect minors from potential threat that may arise in the remote environment which maybe harmful or detrimental to their development,” pagtatapos pa ng lady solon. Gail Mendoza