Curry dalawang linggo ‘di makalalaro

Curry dalawang linggo ‘di makalalaro

December 26, 2022 @ 2:05 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Aabot ng hanggang dalawang linggo na hindi makapaglalaro si Golden State Warriors superstar Stephen Curry dahil sa injury sa kaniyang balikat.

Sinabi ng Warriors na patuloy itong nagpapagaling at agad na babalik sa paglalaro kapag tuluyan ng gumaling.

Matatandaan na natamo ng 34-anyos na si Curry ang kanyang left shoulder injury noong Disyembre 14 ng talunin sila ng Indiana Pacers.

At mula noon ay hindi na nakadalo sa apat na laro si Curry.

May average ang two-time MVP at four-time NBA champion na 24.5 points, 6.5 assists at 4.7 rebounds.RCN