Curry, Warriors sibak sa Lakers

Curry, Warriors sibak sa Lakers

March 6, 2023 @ 4:42 PM 3 weeks ago


LOS Angeles, California – Kumamada si Anthony Davis 39 puntos para hiyain ng Los Angeles Lakers ang Golden State Warriors, 113-105, sa pagbabalik ni Stephen Curry sa koponan kahapon.

Matapos hindi makalaro ng 11 sunod na laro dahil sa injury, si Curry ay tumarak sa Warriors ng 27 puntos sa loob ng 32 minuto. Ngunit sumablay ito sa isang open three-point shot sa pagtatangka ng Golden State down na tapyasin sa apat ang kalamangan ng Lakers sa tiyempong 1:14 ng regulasyon.

Nabura ng Warriors ang tambak na 20-puntos sa first-quarter kaya nalagay sa alanganin ang Lakes ng tumabla ang puntos sa 91-all matapos ang three-pointer ni Anthony Lamb sa 5:37 na lang.

Ngunit ang mga supporting cast ni Davis, wala sina LeBron James at D’Angelo Russell, sa pangunguna nina Dennis Schroder at Troy Brown ay kumana ng back-to-back 3 pointers para sa kanilang 10-2 burst na nagbukas ng 101-93 lead sa naititirang 3:38 sa 4th quarter.

Tumugon sina Curry at Klay Thompson sa pamamagitan ng three-pointer sa huling atake ng Golden State, ngunit sa pagkakataong ito ay pinuwersa na ni Davis ang laro at sumalpak ng dalawang free throws matapos magsara ang Warriors sa loob ng 2 puntos at gumawa ng five-foot floater kasunod ng hindi nakuha ni Curry na tres.

Bilang karagdagan sa 8 rebounds, 6 assists, at 2 blocks, nagtapos si Davis ng 10-for-13 sa linya, halos makakuha ng maraming pagtatangka gaya ng ginawa ng Golden State bilang isang koponan. Nagtapos ang Warriors ng 15-for-18.

Umiskor si Austin Reaves ng 16 puntos at 14 si Brown para sa Los Angeles, na umunlad sa 2-2 mula nang magkaroon si James ng tendon injury sa kanyang kanang paa. Nag-ambag si Malik Beasley ng 12 puntos sa panalo, Schroder 11 at Jarred Vanderbilt 10.

Nakumpleto ni Vanderbilt ang double-double na may game-high na 13 rebounds. Si Reaves ay nagkaroon ng game-high na 8 assists.

Sinuportahan ni Thompson si Curry na may 22 puntos para sa Warriors, na nagtapos sa limang sunod na panalo – lahat ay nasa bahay.

Nag-compile si Draymond Green ng 15 points at isang team-high na 8 rebounds, habang si Donte DiVincenzo ay may 11 points at Jordan Poole 10. Tinabla rin ni DiVincenzo si Curry na may team-high na 6 na assists.JC