Cusi kay Pacquiao: Patunayan ang alegasyon ng katiwalian o manahimik na lang

Cusi kay Pacquiao: Patunayan ang alegasyon ng katiwalian o manahimik na lang

July 13, 2021 @ 12:01 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Bumwelta si Energy Secretary at PDP-Laban vice chairman Alfonso Cusi kay Senator Manny Pacquiao na patunayan ang alegasyon ng korapsyon sa gobyerno.

“Senator Pacquiao has thrown accusations against us and that is really regrettable because as a senator he should be responsible in his action. He should prove it. We are ready.  You cannot just accuse the president and saying where’s the P10 billion. You prove it, if you cannot prove it you better shut up,” giit ni Cusi sa panayam ng ANC.

Matatandaang sinabi ni Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyon sa pondo ng Social Amelioration Program pati na katiwalian sa Department of Social Welfare and Development, the Department of Health, at sa Department of Energy.

“Now, he accused at [Department of Energy] because of a certain market operation, I said, that has been investigated and we are open. Hindi naman clear na basta na lang siya maga-accuse, aalis siya. Harapin niya kami,” paghamon ng kalihim. RNT/ELM