Cusi sa mga kritiko: Desisyon ng Comelec sa COC filing reopening petition ‘wag pakialaman

Cusi sa mga kritiko: Desisyon ng Comelec sa COC filing reopening petition ‘wag pakialaman

January 3, 2022 @ 5:10 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Itinanggi ng kampo ni Energy Secretary Alfonso Cusi nitong Lunes ang mga pahayag na binabalak ng Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban (PDP-Laban) na pinamumunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isulong ang “no election” scenario sa araw ng eleksyon sa Mayo.

Inihayag ng PDP-Laban faction na ginagamit lamang nito ang karapatan sa ilalim ng “election laws” at dapat hayaan ng publiko ang Commission on Elections (Comelec) na siyang magdesisyon sa petisyong inihain ng kampo.

Naghain ang kampo ni Cusi ng petisyon sa Comelec na muling buksan ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) kahit na noong Oktubre 8 pa ang deadline ng COC filing.

Iginiit ni Melvin Matibag, secretary general ni PDP-Laban Cusi wing, na naniniwala ang partido na dapat na muling buksan ng Comelec ang paghahain ng COCs at ipagpaliban ang pag-imprenta sa mga balota para sa Halalan 2022 habang ilang kaso pa ang pending sa poll body.

Naging sanhi naman ito ng mga espekulasyon sa mga mambabatas at iba pang presidential aspirants na nais ng administrasyong Duterte na maantala ang May 2022 elections at mas patagalin pa ang termino ni Duterte, na pinabulaanan naman ng PDP-Laban party.

“Let the Comelec rule on the petition based on legal arguments/merits. Let us not focus on naysayers dwelling on conjectures and name-calling,” pahayag ng partido.

“The petition is based on a constitutional precept on the exercise of suffrage. And as a consequence, it is also imploring on the Comelec to resolve all issues before the ballots are printed,” dagdag nito. RNT/SA