Customs, kapos ng P8 bilyon – COA

Customs, kapos ng P8 bilyon – COA

July 28, 2018 @ 1:53 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Double effort ang hiningi ng Commission on Audit sa Bureau of Customs matapos na kumapos ito ng higit sa P8 billion sa kanilang target revenue collection para sa fiscal year noong 2017.

Ayon sa COA, kapos ng P8.1 Billion ang target revenue ng BOC na P460 billion na isinisisi ng ahensya sa palpak na collection process at maluwag na tariff law.

“We recommend and management agreed that the commissioner, port collectors and concerned officers and employees continue to exert more effort and employ new strategies in order to achieve its collection target,” ayon sa COA.

Ipinaliwanag din ng COA na poosibleng dahil sa rebisyon ng tax law kaya kapos sa kita ang ahensiya.

Dahil dito, nagbabala ang COA sa BOC na posibleng hindi maabot ang bagong target ngayong taong kung ‘di babaguhin ang patakaran. (Remate News Team)