Customs, palong-palo sa pangongolekta ngayong taon

Customs, palong-palo sa pangongolekta ngayong taon

August 3, 2018 @ 1:18 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Nalampasan ng Bureau of Customs (BOC) ang target nitong koleksiyon sa unang anim na buwan ng taon.

Sa pauna nilang inilabas na report, ang pinakamalaki nilang revenue na nakolekta ay ang P52.05 bilyon noong July.

Aabot sa 48.7 percent ang iniangat ng koleksiyon ng BOC mula sa P34.99 bilyon noong nakaraang taon sa parehong buwan.

Sa ngayon tanging ang Manila International Container Port (MICP) at Port of Subic lang ang bigong makakolekta ng target na revenue.

Matatandaang simula Pebrero ay sinisibak na ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang mga hepe ng mga underperforming ports.

 “We are expecting consistent revenue growth, and I remain confident that we will hit and even exceed our yearend target,” ayon kay Lapeña.

Target ng BOC na makakolekta ng P581.3 billion ngayong taon. (Remate News Team)