Cyber libel case ikinasa vs ex-Energy chief Cusi

Cyber libel case ikinasa vs ex-Energy chief Cusi

November 29, 2022 @ 1:28 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Isinakdal ng Valenzuela City prosecutors si dating Energy secretary Alfonso Cusi sa cyber libel sa pahayag nito na ipinost sa website ng Department of Energy noong Pebrero 4, 2022.

“Wherefore, premises considered, it is respectfully recommended that Alfonso G. Cusi be indicted,” saad sa 20-page resolution na may petsang Nobyembre 14, na pirmado ni Senior Assistant City Prosecutor Rudy Ricamor.

Nag-ugat ang kaso mula sa reklamong inihain ni Senator Sherwin Gatchalian kasunod ng pahayag ni Cus matapos umabot ng Senate resolution na nagrerekomenda ng pagkakasa ng kaso laban sa huli at iba pang opisyal sa Office of the Ombudsman.

Sinabi ni Cusi na sa kasagsagan ng committee hearings, pinili ni Gatchalian na pakinggan ang business interests.

Iginiit ni Gatchalian nagdulot ng “malice”ang pahayag ng dating DOE official at nabahiran ang kanyang reputasyon at integridad maging ang imbestigasyon ng Senate committee sa energy.

Bilang depensa, iniahyag ni Cusi na hindi defamatory ang kanyang post dahil pinuna lamang umano niya ang pagsasagawa ng Senate investigation.

“The fact remains that the defamatory statements were anchored on false allegations. The post no longer talks about the legality or illegality of the transfer of share but it already talks about Gatchalian and his tendency to corrupt, commits fraud, being dishonest and abusive,” batay sa resolusyon.

Sinabi pa ng prosecutors na “totally alien” ang pahayag sa paksa o sa rekomendasyon ng Senado na maghain ng kaso laban kay Cusi at iba pang opisyal ng pamahalaan.

“Verily, Cusi acted maliciously, when he posted his defamatory statements in the DOE website,” anito.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento si Cusi ikol dito. RNT/SA