Cyber libel vs 4 solon, ibinasura ng DOJ

Cyber libel vs 4 solon, ibinasura ng DOJ

September 6, 2022 @ 1:52 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang cyber libel complaint na inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban sa mga kasalukuyan at dating kinatawan mula sa Makabayan bloc.

Nag-ugat ang kaso sa umano’y libelous statement ng Makabayan noong November 2021 kung saan inakusa ang PNP ng red-tagging at pagtatanim ng ebidensya matapos isilbi ng mga operatiba ng CIDG ang arrest warrant laban sa isang Lourdes Bulan alyas “Simang” para sa dalawang bilang ng kasong murder.

Ibinasura ng DOJ ang mga kaso laban kina Gabriela Partylist Rep Arlene Brosas at mga dating kinatawan na sina Carlos Zarate, Liza Masa at Luzviminda Ilagan dahil sa kawalan ng merito.

Nakasaad sa desisyun ng DOJ na hindi maaring ireklamo ang mga nabanggit dahil ibinatay ang pajayg nila sa isa lang panayam na lumabas sa pahayagan.

Sa ilalim ng batas ang maaring kasuhan ng libel ay ang may-akda ng balita, nag publish ng impormasyon, editor o business manager. Teresa Tavares