Cyberattack, ‘di sanhi ng New Year’s day aviation mess

Cyberattack, ‘di sanhi ng New Year’s day aviation mess

January 12, 2023 @ 6:45 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinawi ng opisina ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang posibilidad ng “cyberattack” bilang mitsa ng New Year’s day air traffic fiasco, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) told the Senate on Thursday.

Sa Senate public services panel hearing sa insidente, inilahad ni CAAP Director General Manuel Tamayo ang initial findings ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC). 

“CICC conducted a parallel investigation on January 3. The result indicates that the incident is unlikely due to a cyberattack. However the damaged circuit breaker has been transferred to them for forensic investigation,” pahayag ni Tamayo.

Ang CICC ng DICT ang lead government office na tumututok sa cybercrime prevention at monitoring.

Nauna nang inako ng CAAP ang “full responsibility” sa airspace meltdown na nakaapekto sa mahigit 65,000 pasahero noong Bagong Taon.

Mahigit 360 flights ang nakansela, naantala, o nalihis.

Nagkaroon ng outage sa pagbalik sa kapital pagkatapos ng Christmas at New Year break. RNT/SA