Cyberattack sa PH airspace shutdown posible pa rin-CICC

Cyberattack sa PH airspace shutdown posible pa rin-CICC

January 13, 2023 @ 11:43 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi pa rin inaalis ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang posibilidad na isang cyberattack ang naging sanhi ng pagsasara ng air traffic management system sa bansa noong Bagong Taon.

Sa pagdinig ng Senado nitong Huwebes, nilinaw ni CICC Undersecretary Alexander Ramos na nagsagawa lamang ito ng inisyal na imbestigasyon, na “not conclusive.”

“The priority that was given to us is to help CAAP (Civil Aviation Authority of the Philippines) restore its system to normalcy. That’s why we brought in equipment and manpower on orders of the DICT (Department of Information and Communications Technology) Secretary,” ani Ramos.

“We have not gone beyond that restoration process. If there was a cyberattack, we have not reached that level of communication within the CAAP,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Ramos na kulang ang CICC ng mga kasangkapan at kagamitan para i-scan ang sistema.

“So may posibilidad pa rin ang nangyari dahil sa cyberattack?” Tanong ni Sen Win Gatchalian.

“Maaari, pero kailangan nating magsagawa ng assessment,” tugon naman ni Ramos sa senador.

Nanawagan si Gatchalian ng pormal na imbestigasyon, at sinabing hihiling siya ng mas detalyadong briefing sa isang executive session.

“We cannot rule out cyberattacks as a cause of this disruption. In their report its written there ‘unlikely’ which gave me the impression that it’s already out of the table,” ani Gatchalian. “But right now because of their request for an executive session, it seems to me a possibility and urgency that should be looked at.” RNT