Cybercrime rate sa panahon ng pandemya ikinakaalarma-interpool

Cybercrime rate sa panahon ng pandemya ikinakaalarma-interpool

August 5, 2020 @ 11:53 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagbabala ang global police body na Interpol sa France kaugnay sa nakakaalarmang cybercrime rate sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa ulat, target ng mga hackers ang malalaking institusyon mula sa maliliit na negosyo hanggang sa mga korporasyon.

“Cybercriminals are developing and boosting their attacks at an alarming pace, exploiting the fear and uncertainty caused by the unstable social and economic situation created by COVID-19,” pahayag ni Interpol Secretary General Juergen Stock.

“The increased online dependency for people around the world is also creating new opportunities, with many businesses and individuals not ensuring their cyberdefenses are up to date,” dagdag pa nito.

Ang modus ng mga ito ay pagpapadala ng email na may mga temang may kaugnayan sa COVID-19 kung saan kinukuha ng mga ito ang mga confidential data ng mga user sapamamagitan ng paggaya sa mga government at health authority.

Batay sa tala ng Interpool mula Enero hanggang Abril, aabot sa 907,000 spam messages kung saan 737 dito ang insidente na may kaugnayan sa malware habang 48,000 naman ang malicious URLs na lahat ng ito ay may kaugnayan sa COVID-19.

Bunsod nito, nagbabala ang ahensya sa lahat na posibleng tumaas pa ang mga nasabing tala kaya pinag-iingat ang lahat sa mga nasabing emails. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...