Cyberlibel conviction vs Ressa pinagtibay ng CA

Cyberlibel conviction vs Ressa pinagtibay ng CA

July 8, 2022 @ 4:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Manila court na hatulan ang news organization na Rappler CEO Maria Ressa at dating researcher-writer na si Reynaldo Santos Jr. para sa cyber libel.

Sa isang desisyon na inilabas sa media ngayong Biyernes, tinanggihan ng CA ang apela nina Ressa — isang Nobel prize winner —at Santos laban sa desisyon noong Hunyo 2020 ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46, na hinatulan sila ng maximum na anim na taong pagkakakulong.

Gayunpaman, binago at pinahaba ng korte ng apela ang maximum na oras ng pagkakakulong hanggang anim na taon, walong buwan at 20 araw.

Nag-ugat ang kaso sa isang artikulo ng Rappler noong 2012 na nag-ulat tungkol sa umano’y koneksyon ng negosyanteng si Wilfredo Keng sa mga ilegal na aktibidad.

Inihain ni Keng ang reklamo noong 2017, halos limang taon matapos mai-post ang artikulo sa website ng Rappler.

Sinabi nina Ressa at Santos na magagamit nila ang lahat ng legal na remedyo, kabilang ang pagdulog ng desisyon sa Korte Suprema. RNT