Cybersecurity, cybercrime detection paiigtingin ng bagong DICT chief

Cybersecurity, cybercrime detection paiigtingin ng bagong DICT chief

July 5, 2022 @ 4:05 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nais ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa ilalim ng bagong administrasyon na paigtingin ang cybersecurity at cybercrime detection ng bansa.

“We want to improve our cybersecurity, napakaraming instances po ng mga breaches ng mga website natin and at the same time on the cybercrime detection, I’m sure marami po tayong mga kababayan nakakatanggap ng mga text, ng mga cyber scams,” ayon kay DICT Secretary Ivan Uy sa Laging Handa public briefing.

“We need to address all of these, maraming reklamo ang ating mga kababayan, and tama po naman ang mga hinaing nila at tutugunan po natin ito as soon as we settle down and we roll up our sleeves and start working on this,” dagdag na pahayag nito.

Si Uy, isang IT expert, ay nagpahayag na isusulong din ng DICT ang “better digital access” sa pamamagitan ng siguraduhin na maging maayos ang connectivity sa malalayong lugar.

“We will definitely push for better e-governance so that we are able to deliver government service more efficiently and effectively and [fewer] opportunities for corruption across all agencies,” ani Uy.

Samantala, pinuna naman ni Uy ang kalagayan ng operasyon ng ahensiya sabay sabing mayroon siyang “many knots” para “untangle” habang nagpapatuloy ang transisyon sa bagong liderato. Kris Jose