Cybersecurity measures palalakasin pa sa PBBM admin

Cybersecurity measures palalakasin pa sa PBBM admin

January 18, 2023 @ 3:23 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Pinaigting pa ng administrasyong Marcos ang pagsisikap nito na magtatag ng cybersecurity infrastructure sa gitna ng hangarin na i-digitalize ang burukrasya.

Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isinagawang open forum sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, isang event na aniya’y excited niyang daluhan dahil mabibigyan siya ng pagkakataon na palawigin at ipaliwanag mabuti ang inisyatibo ng bansa.

Bilang tugon sa tanong, binanggit ng Pangulo ang digitalization initiative at improvement para sa bureaucratic efficiency.

“Security has become a huge issue. That’s what we are trying to design now, a cybersecurity system for this sensitive information,” ayon sa Pangulo.

Hindi naman itinatanggi ng Pangulo ang mabagal na internet connectivity, sinabi niya na kailangan ng gobyerno na gumawa ng mas maayos na paraan upang maikonekta ang milyong Filipino at muling buhayin ang inisyatiba na isulong ang digital economy.

“The connectivity in the Philippines is still pretty low. It’s unfortunate because, in some of the studies we’ve made, the general consumer talks to every facet of their lives through the internet, except for government,” ayon kay Marcos.

Dahil dito, sinabi ng Pangulo na pumasok na sa eksena ang lokal na pamahalaan upang matiyak na ang internet connectivity infrastructures ay nasa tamang lugar upang maabot ang mga Filipino sa mga rehiyon.

Welcome aniya sa Pilipinas ang pagtulong ng lokal na pamahalaan sa gobyerno para sa nilalayon nito.

“So, local governments, and some agencies within the national government, would really take on the initiative and started their own systems so as to be able to communicate. So this has now got to be consolidated and put together,” ang wika ni Marcos.

“And that’s where we are right now: forming the databases for government, forming the databases that can be used by the national ID, [and] establishing it now,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Matatandaang, ipinag-utos ni Pangulong Marcos na bilisan ang digitalisasyon ng National Identification (ID) system na maaaring gamitin para sa public at private transactions.

Sa ilalim ng Marcos administration, “the government has activated thousands of previously offline areas under the Broadband ng Masa (BBM) and Free Wi-Fi for All programs of the Department of Information and Communications Technology (DICT).” Kris Jose