Cyclone Freddy bumalik sa Malawi, 326 patay

Cyclone Freddy bumalik sa Malawi, 326 patay

March 17, 2023 @ 10:15 AM 1 week ago


MALAWI – Umakyat na sa 326 ang bilang ng mga nasawi sa malakas na Cyclone Freddy sa Malawi, matapos itong bumalik sa mainland Africa.

“As of yesterday, the death toll from this disaster has risen from 225 to 326, the number of people displaced has more than doubled to 183,159,” sinabi ni Malawi President Lazarus Chakwera.

Nanawagan naman ng tulong si Chakwera sa global community habang nagpapatuloy ang paghahanap nila ng mga survivor dulot ng malalang pagbaha at mudslide.

Bago magtapos ang Pebrero, nauna nang tinamaan ng Cyclone Freddy ang southern Africa kung saan dumaan ito sa Madagascar at Mozambique hanggang sa Malawi.

Sa panahong iyon ay halos walang naging epekto ang bagyo sa Malawi.

Kalaunan ay bumalik sa Indian Ocean ang bagyo at nag-ipon ng mas maraming lakas, bago muling tumama sa ikalawang pagkakataon sa mainland Africa.

Dito na nakapinsala ng matindi ang bagyo na nagdala ng malalakas na pag-ulan.

Ito na ang maituturing na world’s longest tropical storm. RNT/JGC