Cynthia Villar out na sa SP race

Cynthia Villar out na sa SP race

June 1, 2022 @ 12:54 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inilahad ni Senator Cynthia Villar nitong Miyerkules na hindi na niya hangad ang Senate presidency sa sunod na Kongreso.

“Wala ng SP race,” ani Villar, at sinabi pang hindi na siya interesado sa pwesto.

Sinagot din ni Villar ang tanong kung susuportahan ba niya si Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri, na interesado rin sa Senate presidency.

Ayon kay Villar, napag-usapan na nila ito ni Zubiri  nang magkita sila sa Commission on Appointments hearing nitong Miyerkules ng umaga.

Matatandaang sinabi ni Zubiri na ang karanasan niya bilang mambabatas ang lamang niya sa iba pang aspirants para sa top Senate post. RNT/SA