‘D KO ALAM’ sa website ng FOI, tinanggal na

‘D KO ALAM’ sa website ng FOI, tinanggal na

July 27, 2018 @ 2:03 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Trending muli ang isang website ng Freedom of Infotmation o www.foi.gov sa ilalim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Isang netizen kasi ang nakapansin sa directory number section ng mga ahensiya ng Maritime Industry Authority at ng Office for Transportation Security na may nakalagay na “d ko alam” at “d ko rin alam”.

Ipinost pa ito ng isang @peepaubau sa kanyang twitter.

Sa araw rin na ito ay ipinost, agad din itong inaksiyunan ng government website at sinabing kanila na itong tinanggal.

“Thanks for pointing this out @peepaubau! Please be informed that we have since removed the error you have identified. We appreciate your continued support as we work towards improving our services in providing you more up-to-date and accurate information through FOI Philippines,” sagot ng FOI sa netizen. (Remate News Team)