DA-7 ‘di sang-ayon sa tigil-patay sa baboy na may ASF sa Cebu

DA-7 ‘di sang-ayon sa tigil-patay sa baboy na may ASF sa Cebu

March 15, 2023 @ 8:07 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Iginiit ng Department of Agriculture sa Central Visayas (DA-7) nitong Martes na susundin nito at dapat sundin ang pambansang patakaran sa pagpigil sa higit pang pagkalat ng African swine fever (ASF) virus sa pamamagitan ng pagkitil sa mga baboy sa loob ng 500-meter radius.

Binigyang-diin ni Dr. Daniel Ventura, ASF coordinator ng DA-7, na mas mapanganib ang hindi pag-cull sa mga baboy dahil sa epekto ng ASF.

Ang pahayag ng DA-7 ay matapos na iatas ni Gobernador Gwendolyn Garcia na itigil ang paghukay ng mga buhay na baboy sa Lungsod ng Carcar sa lalawigan ng Cebu, na nagsasabing “slaughtering healthy pigs will result in unnecessary losses for hog growers.”

Sinabi ni Ventura na ang karaniwang protocol “is to sacrifice all pigs within the infected premises and that extends to all pigs within a 500-meter radius from the site to ensure that the virus will not have access to any pig host where it can multiply.”

Sa isang press conference nitong Lunes ng hapon, iniutos ni Garcia ang paglipat ng surveillance ng lalawigan mula sa slaughterhouses patungo sa backyard farms, upang makita ang tunay na nangyayari sa ground.

“Let’s proceed logically, sensibly, and always with the general welfare of the people in mind,” ani Garcia sa isang pahayag na nai-post sa social media page ng kapitolyo.

Ang kapitolyo ay magbibigay ng maximum na PHP5,000 na tulong pinansyal para sa bawat isa sa mga na-culled na baboy ng mga apektadong backyard hog raisers.

Sinabi ni Carcar City administrator Jose Marie Poblete na sumasang-ayon si Mayor Mario Patricio Barcenas kay Garcia sa paghawak ng ASF infection sa kanyang lokalidad, na tahanan ng sikat na “chicharon” (pork rinds) at “lechon” o inihaw na baboy. RNT