DA, BOC at Kongreso, sanib-pwersa vs agri smuggling-PBBM

DA, BOC at Kongreso, sanib-pwersa vs agri smuggling-PBBM

July 21, 2022 @ 7:41 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Magsasanib puwersa ang Department of Agriculture (DA), Bureau of Customs (BOC) at Kongreso para sugpuin ang pagpupuslit ng gulay at iligal na pag-aangkat ng iba pang agricultural products.

Ipinag-utos kasi ni Pangulong Marcos sa DA na makipagtulungan sa BOC at Kongreso sa bagay na ito.

“On the issue of vegetable smuggling and illegal importation of other agriculture products, the President also directed that the country’s system of importation should be fixed in coordination with the Bureau of Customs, the House of Representatives, and the Senate,” ang nakasaad sa kalatas ng DA.

“We need an immediate plan to ensure that our food supply and the food prices are within reach of ordinary Filipinos from now until the end of the year,” ayon naman kay Pangulong Marcos.

Matatandaang, nitong nakalipas na buwan, siniguro ng BOC na nakikipagtulungan na sila sa DA upang matanggal ang lahat ng smuggled items sa merkado.

Sa ulat nauna nang sinabi ni BOC spokesperson Vincent Philip Maronilla na nagpadala na sila ng mga tauhan sa mga pamilihan, katulong ang mga tauhan ng DA, upang galugarin ang mga imported agricultural products na ipinupuslit sa bansa.

Sa datos ng pamahalaan, aabot na sa P1.99 bilyong puslit na agricultural products ang nasamsam ng BOC mula 2019. Kris Jose