DA: Camarines Sur, Davao del Sur bird flu-free na

DA: Camarines Sur, Davao del Sur bird flu-free na

July 14, 2022 @ 11:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Wala nang avian influenza o bird flu sa mga probinsya ng Camarines Sur at Davao del Sur, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Batay sa Memorandum Circular 30 na nilagdaan ni dating Agriculture Secretary William Dar noong Hunyo 30, 2022, negatibo ang dalawang probinsya sa H5N1 Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) nang 40 araw mula ng magsagawa ang local government units, katuwang ang DA Regional Field Office and the Bureau of Animal Industry, ng clean-up, disinfection, at surveillance operations.

Inilahad ng DA na naapektuhan ng bird flu ang Camarines Sur at Davao del Sur noong Marso  2022 matapos magpositibo ng grazing ducks sa virus.

“[R]esults of subsequent disease monitoring in the 1-km and 7-km surveillance zones of the abovementioned provinces yielded negative test results for influenza type A virus,” saad sa circular. RNT/SA