DA chief: Mga opisyal na dawit sa agri smuggling, may karapatang ipagtanggol ang saril

DA chief: Mga opisyal na dawit sa agri smuggling, may karapatang ipagtanggol ang saril

June 28, 2022 @ 9:52 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag si Outgoing Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar nitong Lunes na ang mga opisyal ng agrikultura na sangkot umano sa agriculture smuggling sa Pinas base na rin sa inilabas na Senate report bilang “mga agricultural smuggler o protector” sa bansa ay dapat bigyan ng pagkakataon na harapin ang mga inaakusa sa kanila.

Nabatid sa isang mensahe ng Viber, sinabi ni Dar na dapat ipagtanggol ng mga opisyal na ito, na kasama sa intelligence report na isinumite kay Senate President Vicente Sotto III, ang kanilang sarili.

“Hayaan ang tatlong opisyal na pinangalanan sa ulat na mabigyan ng pagkakataon na harapin ang mga nag-aakusa sa kanila, at ipagtanggol ang sarili sa tamang forum,” ayon kay Dar.

Ginawa ni Dar ang pahayag kasunod ng pagbubunyag ng listahan sa Senate Committee Report 649 ng Senate Committee of the Whole, na nilagdaan ng 17 senador.

Sinabi pa sa report na kasama sa listahan sina Undersecretary Ariel Cayanan, Bureau of Plant Industry (BPI) Director George Culaste, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Eduardo Gongona, at iba pa.

Kasama rin sa listahan si Bureau of Customs Chief Rey Leonardo Guerrero kasama ang iba pang opisyal ng customs at agriculture, gayundin ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan at pribadong indibidwal.

Nauna rito, sinabi ni Sotto na isinumite niya ang listahan kay incoming agriculture chief, at President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ni Sotto na umaasa siyang matutugunan kaagad ang isyu ng smuggling at korapsyon dahil si Marcos ang pamumuno sa departamento ng agrikultura.  Santi Celario