DA, DOLE, PAGCOR, PhilRice programs lusot sa election spending ban

DA, DOLE, PAGCOR, PhilRice programs lusot sa election spending ban

April 29, 2022 @ 7:14 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinagbigyan ng Commission on Elections (Comelec) ang kahilingan na ma-exempt ang fuel subsidies para sa mga magsasaka at mangingisda sa ilalim ng Department of Agriculture mula sa election spending ban mula Marso 25 hanggang Mayo 8, 2022.

“We exempted, we granted the petition of the Department of Agriculture on the different programs and projects more specifically the fuel discount to farmers and fisherfolk.” sinabi ni Commissioner George Erwin Garcia sa isang press conference.

Humingi ang DA ng exemption para sa Rice Farmers Financial Assistance Program nito, Fuel discount to Farmers and Fisherfolk program, rice competitiveness enhancement program, National Rice Program Seed, Fertilizer, Machinery and Equipment Distribution, National Rice Program, National Corn Program, at Special Area para sa Agricultural Development Program.

“The Commission, after evaluating the submission of the petitioner, hereby grants the said projects, programs and activities subject to submission of the amount to be disbursed during the 45 day ban which shall be the proportional amount required for the covered period as against the annual budget,” saad sa resolusyon.

Inaatasan ng poll body ang DA na sumunod sa mga kondisyon sa ilalim ng Comelec Resolution 10747 at Commission on Audit Circular 2013-004.

Gayundin,pinagbigyan ng poll body ang exemption na hinirit ng Philippine Amusement Gaming Corporation (Pagcor) para sa distribusyon ng food at non-food items na binili bago ang election ban.

Ang exemption ay ipinagkaloob din alinsunod sa mga kondisyon sa Comelec Resolution 10747. Ang poll body ay nag-aatas na ang pamamahagi ay hindi dapat gamitin ng sinumang kandidato, kanyang souse, miyembro ng pamilya sa loob ng ikalawang civil degree o affinity o consanguinity, political parties, party. ilista ang mga organisasyon at ang kanilang mga nominado para isulong ang kanilang kandidatura.

Nakasaad din dito na ang karapatan ng mga benepisyo ay hindi nakasalalay sa suporta at pag-endorso ng mga kandidato, party list organization at political parties.

Ang mga kandidato ,party list nominees, kanilang asawa at miyembro ng kanilang pamilya sa loob ng 2nd civil degree ay mahigpit na ipinagbabawal na makilahok nang direkta o hindi direkta sa pamamahagi ng pera, kalakal, o paninda para sa mga scholarship, tulong para sa burol, pangangalaga sa kalusugan, kalamidad at iba pang mga katulad na programa.

Binagbigyan din ng exemption ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund Seed Program.

“After due notice and hearing, the Commission resolves that the program deserves continuity, not disrupt the supply of rice in the country and, at the same time protect our national food security,” ayon pa sa resolusyon.

Sinabi rin ng poll body na hindi nito makokontrol kapag ang mga magsasaka ay kailangang magtanim.

Bukod dito, pinagbigyan din ng Comelec ang Department of Labor and Employment’s Government Internship Program, Job Start Program Philippines, Special Program for Employment of Students, DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program, DOLE Integrated Livelihood Program, Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers Program, COVID 19 Adjustment Measures Program, Abot Kamay ang Pagtulong, at DOLE Child Labor Prevention and Elimination Program.

Sa pagbibigay ng exemption, binanggit ng poll body ang urgency sa pagpapatuloy ng mga programa dahil ang mga ito ay mahalaga sa pag-alis ng kahirapan at sa pagtugon sa pandemya. Jocelyn Tabangcura-Domenden