DA magkakasa ng mga hakbang vs mataas na presyo ng pulang sibuyas

DA magkakasa ng mga hakbang vs mataas na presyo ng pulang sibuyas

December 8, 2022 @ 3:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ginagawa na ng Department of Agriculture (DA) ang makakaya nito para makahanap ng solusyon para tugunan ang tumataas na presyo ng pulang sibuyas sa bansa.

“The government is looking into buying directly from our producers, we are looking into the harvest of our farmers this month, and selling it directly to consumers through Kadiwa,” ayon kay  DA spokesperson Kristine Evangelista.

“Sa ating pagmo-monitor po sa mga palengke, nakita po natin ‘yung pag-spike ng presyo ng pulang sibuyas…May ₱280, meron pa nga po kaming nakitang ₱300,” ang naunang  pahayag ni  Evangelista sa Laging Handa briefing.

Umaasa naman ang DA na makatatanggap ito ng  inventory report mula sa  BPI sa loob ng linggong kasalukuyan.

At sa pangamba naman na magkaroon  ng kakapusan sa suplay ng pulang sibuyas, sinabi ni Evangelista  na nakikita na nila ang pag-stabilize ng produkto sa susunod na buwan.

Ang mga magsasaka aniya na kinausap ng  DA  ay nagpahayag na inaasahan na nila na mag-ani ng mas maraming pulang sibuyas sa pangalawa o huling linggo  ng Disyembre.

“Ngayon po, tinitignan natin kung gaano kalaki ang kanilang volume na iha-harvest dahil ito po ay makakatulong sa pagdagdag ng ating supply. At alam naman po natin na pag nadadagdagan ang ating supply, ‘yan din po ay makakatulong sa pagbaba ng presyo at sa price stability,” dagdag na wika nito.

Samantala,  hinikayat naman ni Evangelista ang mga mamimili na bisitahin ang  Kadiwa stores kung saan sinabi nito na nagbebenta ng abot-kaya sa bulsa na halaga.

“The government’s Kadiwa program directly links producers to buyers, eliminating several marketing layers, which result in more accessible and cheaper products,” ang paliwanag ng departamento. Kris Jose