DA magtatakda ng SRP sa asukal

DA magtatakda ng SRP sa asukal

October 14, 2022 @ 10:53 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Plano ng Department of Agriculture na magtakda ng suggested retail price (SRP) sa presyo ng asukal dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo nito sa merkado.

Ayon kay DA spokesperson at Asec. Kristine Evangelista, sisiguruhin ng departamento na ang itatakdang presyo ay hindi makasasama sa mga stakeholders.

“There is already ₱70, pero siyempre, titingnan po natin kung gagalaw siya, lalo na kapag inangkat. That is a factor we have to consider,” ani Evangelista.

“‘Yung presyo po, most likely, within the week, we’ll be able to have the price that is not only equitable, but also makakatulong din mapababa ang presyo,” dagdag pa niya.

Isa pa sa konsiderasyon ng SRP ay ang kakayanan ng mga consumers sa itatakdang presyo at ang pagsisimula ng produksyon ng local sugar millers.

Sa kasalukuyan, naglalaro sa P99 hanggang P105 ang presyo kada kilo ng refined sugar samantala hindi bababa sa P86 ang presyo ng washed sugar.

Nasa P83 hanggang P88 naman ang presyo kada kilo ng brown sugar. RNT/JGC