DA: Micronutrient deficiency hamon sa PH farmlands

DA: Micronutrient deficiency hamon sa PH farmlands

February 17, 2023 @ 11:24 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Agriculture (DA) nitong Huwebes na natukoy nito ang soil micronutrient deficiencies sa mga taniman sa bansa, na maaaring maging banta sa food production.

“Maraming areas natin, nagiging problema na ngayon, micronutrient soil deficiency,” pahayag ni DA Undersecretary for Rice Industry Development Leocadio Sebastian sa “Participatory Technology Development of Natural Solutions for Philippine Agriculture” forum.

Ayon kay Dante Delima, dating DA undersecretary at kasalukuyang Chief Operations Officer ng fertilizer company Nature Tech, ang micronutrient deficiency sa lupa ay kakulangan sa nutrients bukod sa nitrogen, phosphorus and potassium (NPK).

“Ang NPK kasi kung minsan, hindi ma-utilize ng husto ng halaman kung kulang o wala yung micronutrients kasi part yan ng chemical synthesis, mayroon silang chemical reaction,” paliwanag ni Delima. 

Sinabi nina Delima at Sebastian na hindi lalago ang food production kapag hindi nasolusyunan ang problemang ito.

 “Lalong babagsak ang ani, ‘Yun, hindi na siya sustainable. At tsaka, gagastos ka ng gagastos doon sa macro, at hindi mo mamaaximize ang kanyang epekto,” sabi ni Delima.

Kasalukuyang sinusuri ng ang lupa at ina-assess ang pinsala, ayon kay Sebastian. RNT/SA