DA nag-alok ng fertilizer vouchers para sa mga magsasaka

DA nag-alok ng fertilizer vouchers para sa mga magsasaka

November 7, 2022 @ 9:34 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nag-alok ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka ng fertilizer vouchers para palakasin ang  rice production.

“DA’s Memorandum Order (MO) No. 65 series of 2022 provides that the fertilizer vouchers will be used by farmer-beneficiaries for urea fertilizers in order to “[cushion] the potential impacts of under-application of urea…,” ang nakasaad sa memo  na nilagdaan ni Senior Undersecretary Domingo Panganiban.

Ang MO No. 65  ay nag-ugat mula sa isang pagsususog sa  implementing guidelines ng fertilizer discount voucher project ng  National Rice Program.

“The use of fertilizer vouchers offers an alternative to [poor farmers] to buy a sufficient volume of urea recommended for their rice area,” ayon sa MO 65.

Sinasabi rin na  magiging sakop ng  proyekto  ang  beneficiary-farmers sa mga  regions planting inbred at hybrid rice seeds, maliban sa  National Capital Region (NCR) at Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).

Ang mga kuwalipikadong benepisaryo para sa programa ay rice farmers  na nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA), iyong mga naka-encode sa Farmers and Fisherfolk Registry System (FFRS), at iyong magtatanim sa panahon ng 2022-2023 dry cropping season.

“Farmers tilling two hectares and below will also be prioritized,” ayon sa DA.

Gagamitin naman ng mga benepisaryo ang  one-time fertilizer vouchers para i-claim ang urea fertilizers sa kanilang preferred DA-accredited dealers, distributors, at outlets.

Ang urea fertilizers ay kailangan na naka-rehistro sa ilalim ng  Fertilizer and Pesticide Authority (FPA).

Ang discount voucher value ay iko-compute naman base sa rice farm area.

Para naman madetermina ang voucher value “per cropping season”,  sinabi ng DA na ang fund source ay hahatiin sa  bilang ng ektarya na ise-served sa ilalim ng proyekto bilang complement sa  inbred and hybrid seed distribution program ng  Rice Program.

Samantala, para sa  2022 wet season cropping, ang  fertilizer vouchers ay  dapat gamitin ng farmer-beneficiaries para i-claim ang inorganic fertilizers, organic fertilizers, foliar fertilizers, biological fertilizers o biological stimulants sa mga accredited merchants.

Kailangan din na rehistrado sa  ilalim ng FPA o Bureau of Agriculture and Fisheries Standards (BAFS).

“The discount voucher shall have a value equivalent to P1,131 per hectare for Also, MO 65 states that a supplemental fund sourced from an unprogrammed regular fund of the DA, over and above the 2022 General Appropriations Act (GAA) budget, was released “to enable rice farmers to meet the recommended urea fertilizer, thereby, securing rice production in the country.” aniya pa rin.

Idagdag pa rito, sinabi ng  DA  na ang  2022 wet season implementation  ng proyekto ay pinondohan sa ilalim ng  2022 General Appropriations Act (GAA), habang ang 2022-2023 dry season implementation ay pinondohan naman sa ilalim ng  2022 GAA at ng unprogrammed funds. Kris Jose